Bahala Na


Ang "Bahala Na" ay ang dalawang salita na paboritong-paborito sabihin ng mga tamad na Pinoy o mga pinoy na walang paki sa kung ano man mangyari sa kanila.

Ang "Bahala Na" o "Bahala na Ang Diyos" ay sinasabi tuwing ang isang tao ay may dapat gawin, ngunit ayaw gawin.

Paul: "Brad, nagawa mo na ba yung wikispaces mo?"
Jester: "Hindi pa eh. Kailan ba 'yun due?"
Paul: "Bukas na ito due! Bakit hindi mo pa ginagawa?:
Jester: "Hindi ko alam. Bahala na, gagawin ko nalang ito bukas habang Business and Management."

Maaari rin itong sabihin tuwing ang isang tao ay may malagim na kinabukasan at alam niyang mangyayari na ito.

Frankie: "Pare, kamusta yung Filipino Long Test mo?"
Jester: "Uhm, okay lang siguro. hehe jowk lang. Bumagsak ata ako."
Frankie: "Hindi ba magagalit mga magulang mo?"
Jester: "Bahala na."

Ginagamit din ito tuwing walang paki ang isang tao.

Zheng Li: "Tol, pinakain mo na ba iyong aso mo?"
Jester: "Hindi pa. Bahala na!"

Alam natin lahat na ang "Manana Habit" ay galing sa mga Kastila. Ito ang kaisipan na "Ba't ko pa to gagawin ngayon eh, may bukas pa." (Procrastination)
Maaaring iugnay ang "Bahala Na" sa "Manana Habit" dahil ang dalawang ito ay sanhi ng pagiging tamad.

Sa madaling salita, nasanay na ang Pilipino sa pagiging halaghag. Madalas na tayo mawalan ng pakialam sa iba't-ibang bagay na dapat natin gawin.

Madalas din sabihin ang pangungusap na "Bahala na si Batman!"